Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bilang Rudy. Siya ang kasalukuyang mayor ng lungsod ng Davao. Tinanghal siyang "the punisher" ng isang sikat na magazine, ika nga niya "A leader must be a terror to the few who are evil in order to protect the lives and well being of the many who are good." 22 taon na ang tagal ng kanyang pamumuno sa Davao, kaya hindi na kataka-taka ang pagiging isa sa pinaka-ligtas na lungsod sa buong mundo. Ayon sa isang survey noong Abril 30,2015 pang siyam ang davao sa pinaka-ligtas na lugar, at sa kasalukuyan ay umakyat ito sa pang-apat. Marahil ay magaling talagang pinuno si Rodrigo Duterte, kaya naman hindi maiwasan nating mga Pilipino ang umasa na siya'y tatakbo sa halalan 2016.
Bagamat hindi kinukumpirma ni Duterte and mga sabi-sabing siya ay tatakbo bilang Pangulo ng bansang Pilipinas ay marami pa ring mga Pilipino ang umaasa. Umaasang mababago ang takbo ng Pilipinas sa tulong ng kanyang pamumuno.
Ang mga katutubong nagnanais na tumakbo sa pagka-Presidente si Rodrigo Duterte.
At ang mga mamayang nag-sagawa ng Fun Run na may temang "Run Duterte Run" upang mahikayat si Duterte na tumakbo.
Sa kasamaang palad, hindi tatakbo si duterte bilang Presidente. Hindi nag-file ng COC para sa presidente si Duterte dahil mas pinili niyang magpa-tuloy bilang mayor ng Davao.
Bakit nga ba? Ayon kay Rodrigo Duterte ay nais niyang matapos ang kanyang pagiging politiko sa Davao din mismo. Ayon din sa kanya ay hindi niya sinabing siya ay tatakbo. Dahil na din daw sa kanyang katandaan ay gusto na niyang magretiro sa pulitika. Tutol din pati ang kanyang pamilya kung saka-sakaling tumakbo siya bilang Presidente. Kahit pa sabihing may isang negosyanteng nais tumulong sa kanyang pangangampanya ay hindi niya ito tinanggap at nanatiling buo ang desisyon sa hindi pagtakbo.
Hindi man si Duterte ang maging Presidente ng Pilipinas ay sana dumating ang araw na may isang taong tulad niya, na may prinsipyo para sa kabutihan ng mabubuti, ng lahat, ang dumating upang pamunuan ang ating bansa. Maaaring ngayong halalan ito tumakbo, maaari ding hindi.




